Maligayang Pagdating
Ang Lynnwood Link Extension ng NE 130th Street Infill Station para sa Sound Transit ay maghahatid ng karagdagang serbisyo sa mga residente ng North Seattle sa oras na makumpleto ito. I-explore ang site na ito para sa higit pang impormasyon tungkol sa konstruksyon ng mga finish ng istasyon, streetscape, at pagpapaganda ng kalsada sa susunod na dalawa at kalahating taon. Alamin ang higit pa tungkol sa mga inaasahan sa pagbubukas ng istasyon sa 2026. Ang Lynnwood Link Extension, na nagkokonekta sa light rail mula sa Northgate patungong Lynnwood City Center Station, ay nagsimula nang magserbisyo noong Ago. 30, 2024.
Noong 2016, inaprubahan ng mga botante ang pagdaragdag ng light rail station sa Lynnwood Link Extension sa NE 130th St pagsapit ng 2031. Noong Pebrero 2020, pinahintulutan ng Lupon ng Sound Transit ang mga staff na kumpletuhin ang pinal na disenyo ng istasyon, at noong tag-init 2022, nag-apruba ang Lupon ng karagdagang badyet at mga pagbabago sa kontrata para sa pinabilis na paghahatid ng NE 130th Street Infill Station. Ang desisyong ito ang nagpabilis sa pagbubukas ng bagong istasyon sa 2026.
Magseserbisyo ang bagong istasyon sa isang lumalaking residensyal na komunidad sa pagitan ng Northgate at Shoreline South/148th station, at itatayo ito sa kasalukuyang linya ng Lynnwood Link Extension. Kapag natapos sa 2026, sa aming pagtatantya, magbibigay ang NE 130th Street Infill Station ng humigit-kumulang 3,400 boarding araw-araw na may access sa Westlake Station sa loob ng 15 minuto at SeaTac/Airport Station sa loob ng 53 minuto.
Makakakita sa page ng proyekto ng Sound Transit ng higit pang impormasyon tungkol sa NE 130th Street Infill Station at pangkalahatang background at kasaysayan ng proyekto ng Lynnwood Link.
Makakakita ng karagdagang impormasyon tungkol sa iba pang kalapit na proyekto na pinangungunahan ng aming mga partner na ahensya sa website ng Proyekto sa Mobility at Kaligtasan sa NE 130th at NE 125th ng Lungsod ng Seattle at Mga Proyekto sa 145th Street ng Lungsod ng Shoreline .
Tulungan Kami sa Pagpapangalan ng bagong infill station sa NE 130th!
Nais naming makuha ang opinyon mo sa pagpapangalan ng bagong infill light rail station na idadagdag sa Lynnwood Link Extension (1 Line) na magbubukas sa 2026. Ang survey na ito ay nangongolekta ng feedback sa mga pangalang pinagpipilian, nagtatanong tungkol sa iyong koneksyon sa lugar ng istasyon, at hinahayaan kang magbigay ng rate sa mga opsyon batay sa mga pamantayan ng Sound Transit sa pagpapangalan. Makakatulong ang opinyon mo sa aming rekomendasyon sa Sound Transit Board, na may inaasahang pinal na desisyon sa unang bahagi ng 2025.
Sagutan ang aming maikling survey at ibahagi ang feedback mo.Ang NE 130th St Infill Station ay patuloy na itatayo hanggang 2026, habang nagsimula na ang serbisyo ng Lynnwood Link Extension mula Northgate patungong Lynnwood City Center noong Ago. 30, 2024.
Sinasalamin ng disenyo ng istasyon ang natatanging pagkakakilanlan ng komunidad na ito bilang isang urban oasis, ang kagustuhan ng komunidad na magkaroon ng modernong disenyo, at ang pagmamalaki sa mga kalapit na likas na yaman sa Thornton Creek. Ang disenyo ay may matitingkad na kulay at sining, mga mauupuan, native na landscaping, at mga natural na elemento gaya ng mga feature at boulder para sa pagpapanatili ng tubig ulan. Kasama sa itaas ng seksyong ito ang mga rendering ng pinal na disenyo ng istasyon.
Isinaalang-alang ng team para sa disenyo ng Sound Transit ang feedback na natanggap namin noong taglagas 2020 para sa pinal na disenyo ng istasyon. Hiniling sa mga miyembro ng komunidad na ibahagi ang kanilang mga kagustuhan sa kulay, mauupuan, at bollard. Ang asul na kulay na napili ng komunidad ay ginamit sa mga finish ng istasyon, na nauugnay, sa partikular, sa mga point ng vertical circulation (mga hagdan, elevator, at escalator). Kasama sa mga elemento ng mauupuan ang mga weathered boulder na sumasalamin sa pagkilala ng disenyo ng istasyon sa kalapit na Thornton Creek, at mga shaped na kongkretong bench sa buong plaza. Ang mga bollard ay isang modernong uri ng stainless steel na may sloped na ibabaw.
Ang artist na si Romson Bustillo, na nakabase sa Seattle, ang gagawa ng mga disenyo para sa artwork sa istasyon. Ipinanganak si Bustillo sa isla ng Mindanao sa Pilipinas. Nakikita sa kanyang mga layered na obra at immersive na collaboration ang kanyang pamanang Filipino, paglaki sa South Seattle/Pacific Northwest, at maraming paglalakbay para sa pananaliksik. Napukaw ang atensyon ng isang panel ng mga napiling artist na binubuo ng mga miyembro mula sa komunidad at ng mga propesyonal sa sining/disenyo sa detalye sa kanyang mga print at sa kanyang inter-disciplinary na obra sa studio, kaya si Bustillo ang napiling gumawa ng obra sa NE 130th Station batay sa kanyang mga nakaraang obra at layunin sa site.
Sa elevated na istasyon, naalala ni Bustillo ang mga bahay na nasa mga stilt sa kanyang pinagmulang bansa, at ang reference na ito ay isa lang sa marami sa kanyang iconography ng mga pattern na may mga simbolismo mula sa kanyang kultura, kultural na konteksto ng istasyon at komunidad, at mga taong nakatira dito sa nakaraan at kasalukuyan. Layunin ni Bustillo na gumawa ng makatawag-pansing obra na magpapakita ng positibong hinaharap, nagsasalaysay ng kuwento, nagsusulong ng pagtuklas, at nakakatulong sa paghahanap ng daan.
Sa timog na entrance, kung saan papasok ang karamihan ng mga pasahero sa istasyon, gagawing landmark ng napinturahang artwork ang guideway column na babati sa mga pasahero sa pagpasok nila sa istasyon. Gagabayan ng artwork ni Bustillo ang mga pasahero sa pagpasok at paglabas nila sa istasyon, at sa pagpunta nila sa mga ticket vending machine at platform ng tren. Ang kanyang mga disenyo ay gagawing mga panel na gawa sa porcelain at enamel na may matitingkad na kulay, na babalot sa mga entrance sa hilaga at timog na lobby. Ang service building, na nasa sentro ng istasyon, ay lalagyan din, sa pasilangang bahagi nito, ng mural na may 100 talampakang haba na gawa sa mga porcelain tile, na may iba namang variation ng mga pattern at kulay.
Magpepresenta si Romson Bustillo sa Komite para sa Pagpapayo sa Pampublikong Sining ng Lungsod ng Seattle sa Oktubre 24 para ipakita ang ilang updated na rendering ng artwork na ilalagay sa mga finish ng istasyon sa entrance sa Hilaga at Timog, pati ang artwork sa central plaza. Ibabahagi ngayong taglagas ang mga karagdagang update sa pampublikong sining sa istasyon.
Batay ang pamamaraan ko sa pananaliksik, lokasyon ng istasyon, mga nakapaligid na halaman at hayop, biyahero, at isinasagawang workshop sa komunidad. Isinaalang-alang ko kung gaano kalaki ang magiging epekto ng proyektong ito at kung paano nito mabibigyang-daan ang mga intimate at communal na visual experience.
Gumagawa ako ng bank ng “mga glyph,” at mga pattern kung saan makakagawa at makakapaghanap ang mga biyahero at kapitbahay ng mga kuwento sa artwork. Susuportahan ng mga visual cue ang paghahanap ng daan at ang mga pedestrian papunta sa mga entrance ng istasyon.
Konstruksyon sa istasyon
Isinagawa ang konstruksyon ng NE 130th St Infill Station nang paunti-unti habang nabubuo ang Lynnwood Link Extension. Ang panghuling bahagi ng konstruksyon, kabilang ang mga huling pag-aayos sa istasyon at mga pagpapabuti sa plaza at mga kalsada ay sinimulan noong huling bahagi ng 2023. Magpapatuloy ang konstruksyon at pagtesting mula ngayon hanggang sa pagbubukas ng istasyon sa 2026.
Ang dapat asahan sa panahon ng konstruksyon
Lalawak pa ang konstruksyon sa site at makakakita ka ng higit pang aktibidad simula ngayong taglagas/taglamig habang ipinagpapatuloy namin ang konstruksyon sa plaza sa ground floor, pati sa mga nakapaligid na kalsada. Mananatiling aktibo ang konstruksyon hanggang 2026, kasama ang pagsusuri sa linya sa lokasyong ito bago buksan ang bagong istasyon.
Pinagsisikapan naming maging mabuting kapitbahay at nauunawaan naming puwedeng makaabala ang konstruksyon. Maaasahan mo ang mga sumusunod sa panahon ng konstruksyon:
- Tuluy-tuloy na paggalaw ng mga crew at malalaking equipment sa site ng istasyon at nakapaligid na lugar; ang mga karaniwang oras ng trabaho ay 7am-5pm, Lunes hanggang Biyernes.
- Ingay, vibration, at alikabok na nauugnay sa pangunahing konstruksyon.
- Mga pagsasara o modipikasyon ng kalsada para masuportahan ang konstruksyon, na may kontrol sa trapiko at mga detour, kung kinakailangan. Tingnan ang nasa ibaba para sa karagdagang detalye tungkol sa mga pangmatagalang pagsasara.
- Posibleng kailanganing magtrabaho nang maaga o gabi, sa labas ng mga karaniwang oras ng trabaho, para sa utility at kalsada para mabawasan ang epekto sa trapiko o maisaayos ang pagsusuri at mga operasyon ng Lynnwood Link Extension; direktang aabisuhan ang mga kalapit na kapitbahay sa mga sitwasyong ito.
- Direktang komunikasyon mula sa team para sa outreach at konstruksyon ng Sound Transit kung saan puwedeng magdulot ang konstruksyon ng mga pansamantalang epekto sa mga kapitbahay, kasama ang access sa property, atbp.
- Mga regular na abiso at update sa konstruksyon sa pamamagitan ng aming email na listserv. Puwede kang mag-sign up para sa mga alerto rito.
Mga pagsasara ng kalsada
Kakailanganing isara ang mga pangunahing kalsada para sa access sa site, mabigyang-daan ang mga kagamitan at materyales, at makagawa ng mga pagpapahusay.
- Isasagawa ang mas malalaking kontrol sa trapiko sa paligid ng istasyon sa NE 130th St, sa 5th Ave NE hilaga at timog ng 130th, at sa NE 130th St off-ramp mula I-5.
- Magpapatuloy ang ganap na pagsasara ng kalye sa 5th Ave NE sa pagitan ng North Seattle Church of the Nazarene at NE 145th St. Mananatili ang pagsasara sa 5th Ave NE sa kabuuan ng proyekto; sa muling pagbubukas, ang 5th Ave NE ay magiging northbound lang at magkakaroon ng hiwalay na lane para sa bisikleta/pedestrian.
- Magkakaroon ng pangmatagalang pagsasara sa NE 130th St I-5 off-ramp (15 araw) at ng hanggang sampung weekend na pagsasara ng off-ramp para maihanda at magawa ang kalsada. Magbabahagi ng karagdagang impormasyon tungkol sa iskedyul ng mga pagsasarang ito sa pamamagitan ng mga alerto sa konstruksyon ng proyekto.
Mga madalas itanong
Nagsimula ang malaking konstruksyon noong 2023 at magpapatuloy hanggang 2026.
Ipapaskil ang mga detour kapag may pagsasara ng kalsada. Kasama rito ang mga detour para sa mga pangunahing pagsasara sa NE 130th St, 5th Ave NE, at I-5 NE 130th St off-ramp. Antabayanan ang aming mga alerto sa email para sa mga paunawa sa trapiko at ruta ng detour para sa bawat pagsasara.
Oo, kakailanganing magtrabaho nang maaga o gabi, sa labas ng karaniwang araw ng trabaho na 7am-5pm, para sa utility at kalsada para mabawasan ang epekto sa trapiko o maisaayos ang pagsusuri at mga operasyon ng Lynnwood Link Extension; direktang aabisuhan ang mga kalapit na kapitbahay sa mga sitwasyong ito.
May ilang iba pang proyekto na aktibo at kasabay na gagawin:
- Lynnwood Link Extension: Tapos na ngayon ang Lynnwood Link Extension, na nagkokonekta sa light rail mula sa Northgate patungo sa Snohomish County, na nagseserbisyo sa apat na istasyon: Shoreline South/148th, Shoreline North/185th, Mountlake Terrace, at Lynnwood City Center. Ang hinaharap na istasyon sa NE 130th St ay magseserbisyo sa linya na ito kapag nagbukas ito sa 2026.
- Proyekto sa Mobility at Kaligtasan sa NE 130th at NE 125th ng Lungsod ng Seattle Ang Departamento ng Transportasyon ng Seattle ang nangunguna sa pagbibigay ng pinadaling access sa bagong light rail station sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagpapahusay sa kahabaan ng NE 130th St, Roosevelt Way NE, at NE 125th St sa pagitan ng 1st Ave NE at Lake City Way NE. Magbibigay ang Sound Transit ng ~$4M na pondo para sa hindi de-motor na access sa mga pagpapahusay na ito. Inaasahang gagawin ang konstruksyon sa 2025/2026.
- Proyekto sa Interchange sa I-5/SR523 ng Lungsod ng Shoreline: Gagawa ang Pagawaing-bayan ng Lungsod ng Shoreline ng mga pagpapahusay sa kahabaan ng NE 145th St, pati sa isang roundabout sa 5th Ave NE. Isasaayos ang paggawa kasama ng WSDOT. Magmumula ang ilan sa pondo sa grant sa Pondo para sa Access sa System ng Sound Transit. Inaasahang gagawin ang konstruksyon sa 2024-2025.
- Hindi De-motor na Tulay sa Lungsod ng Shoreline: Gagawa ang Lungsod ng Shoreline ng bagong crossing para sa pedestrian at bisikleta sa I-5 sa N 148th Street. Magbibigay ang tulay ng mahalagang bagong koneksyon para sa pedestrian/bisikleta sa I-5, dagdag na kaligtasan, pinabilis na biyahe, at pinadaling access sa panrehiyong transportasyon sa Shoreline South/148th Station sa hinaharap. Inaasahang gagawin ang konstruksyon sa 2024-2026.
- ST Stride S3 BRT: Magseserbisyo ang S3 Stride Line sa mga lumalaking komunidad sa hilagang Lake Washington na nagkokonekta ng Shoreline at Seattle sa Bothell. Ikokonekta ng proyekto ang mga biyahero sa Link light rail sa Shoreline South/148th sa kanlurang dulo ng corridor, at sa S2 line sa Bothell, ang silangang dulo ng lugar. Kokonekta ang S2 at S3 sa SR 522/I-405 Transit Hub sa pamamagitan ng serbisyo sa transportasyon na ihahatid ng Sound Transit, Community Transit, at King County Metro. Inaasahang magsisimula ang konstruksyon sa 2024, at magsisimula ang serbisyo sa 2027.
Patuloy na makipag-ugnayan
Salamat sa pagbisita sa aming online open house! Sana ay patuloy kang makipag-ugnayan sa amin. Regular kaming magbibigay ng impormasyon tungkol sa mga aktibidad sa konstruksyon at pag-usad nito. Para makatanggap ng mga alerto sa konstruksyon at pana-panahong update tungkol sa proyektong NE 130th Street Infill Station, mag-sign up para sa aming email newsletter!
Mag-subscribe sa aming NewsletterKung kailangan mo kaming makaugnayan sa mga oras ng trabaho para sa mga tanong o alalahanin, makipag-ugnayan sa amin.
Para sa mga tanong o higit pang impormasyon tungkol sa NE 130th Street Infill Station, makipag-ugnayan kay:- Dani Schmitt
- Community Outreach Specialist
- 206-398-5300
- dani.schmitt@soundtransit.org